Musika ang isa sa pinaka mainpluwensyang uri ng media sa ating lipunan sa panahon ngayon. Maraming uri ng musika meron tayo. Ang musika natin ay nagpapakita ng kasaganahan at kung gaano kakulay ang ating mga ninuno. Ang bawat musika o tugtog ay sumisimbolo ng isang mensahe o emotion. Dito mo naipapakita ang pagkatao mo at kung anong uri ng tao ang sarili mo. Sa musika mo lang madadama ang ang mga emotiong hindi mo pa nadadama noon. Ito lang sandalan mo kapg may problema kang kinakaharap at nagbibigay ng pag-asa sa buhay mo.
Marami ng nagsimula at umangat sa larangan ng musika. Lahat sila ay may kanya-kanyang musika sa buhay. Ang musikang ito ang ginawa nilang tagapag-paalala na may kailangan silang abutin at hindi dapat sila sumuko sa hamon ng buhay. Lahat ng taong umasenso ang buhay ay may sarili-sariling musika ng buhay. Ito ang natatangi nilang gabay sa pag-abot ng mga pangarap nila.
Musika rin ang nagbibigay sa atin ng kalayaan at kamalayan. Musika ang nagpapakita ng pagkanasyonalismo nating mga Pilipino. Para sa akin ang musika ng buhay ko ay hindi ko pa alam dahila marami pa akong pagdadaanang pagsubok na magiging batayan ko sa pagpili ng musika ng buhay. Ikaw ano ang musika ng buhay mo?